| Job Replies, His Despair Deepens | Sumagot si Job, Lumalalim ang Kanyang Kawalan ng Pag-asa |
| 1 But Job answered and said, |
1 Nang magkagayo'y sumagot si Job at nagsabi,
|
| 2 Oh that my grief were throughly weighed, and my calamity laid in the balances together! |
2 Oh timbangin nawa ang aking pagkainip, at ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama.
|
| 3 For now it would be heavier than the sand of the sea: therefore my words are swallowed up. |
3 Sapagka't ngayo'y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat: kaya't ang aking pananalita ay napabigla.
|
| 4 For the arrows of the Almighty are within me, the poison whereof drinketh up my spirit: the terrors of God do set themselves in array against me. |
4 Sapagka't ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin, ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa; ang mga pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin.
|
| 5 Doth the wild ass bray when he hath grass? or loweth the ox over his fodder? |
5 Umuungal ba ang mailap na asno pag may damo? O umuungal ba ang baka sa kaniyang pagkain?
|
| 6 Can that which is unsavoury be eaten without salt? or is there any taste in the white of an egg? |
6 Makakain ba ng walang asin ang matabang? O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog?
|
| 7 The things that my soul refused to touch are as my sorrowful meat. |
7 Tinatanggihang hipuin ng aking kaluluwa; mga karumaldumal na pagkain sa akin.
|
| 8 Oh that I might have my request; and that God would grant me the thing that I long for! |
8 Oh mangyari nawa ang aking kahilingan; at ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na aking minimithi!
|
| 9 Even that it would please God to destroy me; that he would let loose his hand, and cut me off! |
9 Sa makatuwid baga'y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako; na bitawan ang kaniyang kamay, at ihiwalay ako!
|
| 10 Then should I yet have comfort; yea, I would harden myself in sorrow: let him not spare; for I have not concealed the words of the Holy One. |
10 Kung magkagayo'y magtataglay pa ako ng kaaliwan; Oo, ako'y makapagbabata sa mga walang awang sakit; sapagka't hindi ko itinakuwil ang mga salita ng Banal.
|
| 11 What is my strength, that I should hope? and what is mine end, that I should prolong my life? |
11 Ano ang aking lakas, na ako'y maghihintay? At ano ang aking wakas na ako'y magtitiis?
|
| 12 Is my strength the strength of stones? or is my flesh of brass? |
12 Ang akin bang tibay ay tibay ng mga bato? O ang akin bang laman ay tanso?
|
| 13 Is not my help in me? and is wisdom driven quite from me? |
13 Di ba ako'y walang sukat na kaya, at ang karunungan ay lumayo sa akin?
|
| 14 To him that is afflicted pity should be shewed from his friend; but he forsaketh the fear of the Almighty. |
14 Siyang nanglulupaypay ay dapat pagpakitaang loob ng kaniyang kaibigan; kahit siya na walang takot sa Makapangyarihan sa lahat.
|
| 15 My brethren have dealt deceitfully as a brook, and as the stream of brooks they pass away; |
15 Ang aking mga kapatid ay nagsipagdaya na parang batis, na parang daan ng mga batis na nababago;
|
| 16 Which are blackish by reason of the ice, and wherein the snow is hid: |
16 Na malabo dahil sa hielo, at siyang kinatunawan ng nieve:
|
| 17 What time they wax warm, they vanish: when it is hot, they are consumed out of their place. |
17 Paginit ay nawawala: pagka mainit, ay nangatutunaw sa kanilang dako.
|
| 18 The paths of their way are turned aside; they go to nothing, and perish. |
18 Ang mga pulutong na naglalakbay sa pagsunod sa mga yaon ay nangaliligaw; nagsisilihis sa ilang at nawawala.
|
| 19 The troops of Tema looked, the companies of Sheba waited for them. |
19 Minasdan ng mga pulutong na mula sa Tema, hinintay ang mga yaon ng mga pulutong na mula sa Seba.
|
| 20 They were confounded because they had hoped; they came thither, and were ashamed. |
20 Sila'y nangapahiya, sapagka't sila'y nagsiasa; sila'y nagsiparoon at nangatulig.
|
| 21 For now ye are nothing; ye see my casting down, and are afraid. |
21 Sapagka't ngayon, kayo'y nauwi sa wala; kayo'y nangakakakita ng kakilabutan, at nangatatakot.
|
| 22 Did I say, Bring unto me? or, Give a reward for me of your substance? |
22 Sinabi ko baga: Bigyan mo ako? O, Maghandog ka ng isang kaloob sa akin ng iyong pag-aari?
|
| 23 Or, Deliver me from the enemy's hand? or, Redeem me from the hand of the mighty? |
23 O, Iligtas mo ako sa kamay ng kaaway? O, tubusin mo ako sa kamay ng mga namimighati?
|
| 24 Teach me, and I will hold my tongue: and cause me to understand wherein I have erred. |
24 Turuan mo ako, at ako'y mamamayapa; at ipaunawa mo sa akin kung ano ang aking pinagkasalahan.
|
| 25 How forcible are right words! but what doth your arguing reprove? |
25 Pagkatindi nga ng mga salita ng katuwiran! Nguni't anong sinasaway ng iyong pakikipagtalo?
|
| 26 Do ye imagine to reprove words, and the speeches of one that is desperate, which are as wind? |
26 Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita? Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin.
|
| 27 Yea, ye overwhelm the fatherless, and ye dig a pit for your friend. |
27 Oo, kayo'y magsasapalaran sa ulila, at ginawa ninyong kalakal ang inyong kaibigan.
|
| 28 Now therefore be content, look upon me; for it is evident unto you if I lie. |
28 Ngayon nga'y kalugdan mong lingapin ako; sapagka't tunay na hindi ako magbubulaan sa iyong harap.
|
| 29 Return, I pray you, let it not be iniquity; yea, return again, my righteousness is in it. |
29 Kayo'y magsibalik isinasamo ko sa inyo, huwag magkaroon ng kalikuan; Oo, kayo'y magsibalik uli, ang aking usap ay matuwid.
|
| 30 Is there iniquity in my tongue? cannot my taste discern perverse things? |
30 May di ganap ba sa aking dila? Hindi ba makapapansin ang aking pagwawari ng mga suwail na bagay?
|